1. Ang taong walang pagmamahal sa kalikasan ay walang pagmamahal sa sarili. Ang taong kinikitil ang kagandahan ng paligid ay pumapatay sa sarili niyang buhay.
2. Sa konspeto ng kalikasan mas mabuti ang hayop kaysa tao. Ang mga hayop ay mahal ang kalikasang tahanan nila, habang ang mga tao ay walang paikalam sa pagkasira ng kapaligiran.
3. Sa mundo, mas dinadakila ang isang diyamante at gintong nakuha sa pagsira ng kalikasan, kaysa sa isang rosas na ibinunga ng mga halamang nagbibigay nang malinis na hanging hingahan.
4. Sa panahon ngayon, malinis na hangin at sikat na araw na lamang ang libre, pababayaan pa ba natin?
5. Ang panahon ay parang pag-ibig, magbabago kapag hindi mo pinangalagaan nang tama. Masasaktan ka kapag hindi mo inaruga nang wasto. At maaaring ikamatay mo kapag hindi mo kinaya ang resulta.
6. Ang buhay ng tao ay parang dahon, makulay kapag nasa kabataan, at mawawalan ng lakas sa katandaan. Babagsak sa lupa kapag hindi na nakayanan, ngunit hindi pa rin natatapos ang kabuluhan.
7. Dalawa lamang ang kulay ng tagumpay—bughaw at luntian. Bughaw na langit at karagatan, luntiang daigdig at mga kagubatan.
8. Ang kalikasan ay talinghaga. Hindi lahat ng tahimik ay maamo tulad ng kagubatan, mga bulkan, at maging lupang maaari na lamang gumalaw anumang oras.
9. Ang kalikasa ay hindi isang lugar na binibisita. Ito ay ating tahanan.
10. Ang kalikasan ay ang pinakamalaking puhunan ng mga negosyo. Kailangang ingatan ito dahil kapag nawala, babagsak ang ekonomiya ng mundo.
11. Ang buhay ay parang araw at gabi. May liwanag na dala ang bawat umaga ngunit hindi lahat ay mapapansin. May panglaw naman sa madilim na gabi, ngunit sa iba ang kadilim ay pagkinang tulad ng mga bituin.
12. Ang kalikasan natin ay ina ng lahat. Galangin ito tulad ng iyong ina. Pahalagahan ito tulad ng iyong ina. Huwag isawalang bahala dahil kapag nawala, hindi ka na makahahanap pa ng ibang ina.
Sana ay marami kayong nakuhang gintong aral sa gawa naming mga Salawikain Tungkol Sa Kalikasan. Pakay namin ang makatulong sa lahat ng Pilipino na nangangailangan ng gabay at gutom sa kaalaman. Maraming salamat po!