Salawikain Tungkol Sa Katapatan

1. Ang gumagawa ng masama sa kapwa, tiyak na paparusahan ng Bathala.

2. Kada salita nang matapat, lahat ay matatandaan ng kasapakat.


3. Ang kaibuturang katapatan, kailanma’y hindi masasalat sa kabutihan.

4. Ang maduming kalooban ay takot sa kahit anong katapatan.

5. Walang katotohanan ang hindi mabubunyag.

6. Kaliwa’t kanang karangalan, basta’t tunay ang aksyon at mula sa kalooban.


7. Kahit nakakahon sa maliliit na katapatan, mahalaga ay nasusuklian ng kapwa sa sukdulan.

8. Ang pag kamal sa kamalian ay magandang disiplina sa sarili.

9. Habang nariyan ang hinagpis sa pagsasabi ng katotohanan, ang mahalaga naman ay mas mapapalaya nito ang kalooban.

10. Ang masa ay sumasandig at sasandig lamang sa katotohanan ng kanilang kapangyarihan.

11. Mula sa rurok ng katapatan, nawa’y maipakalat din ito ng bawat indibidwal sa lipunan.

12. Ang pagpupuna ay katumbas ng isang katapatan sa mga kinikilos ng kasama.

13. Bakahin ang liberalismo sa pamamagitan ng pagiging matapat sa kolektiba.

14. Kung walang ginagawang masama, wala dapat kinatatakutan at ikababahala.

15. Ang taong matapang, hindi takot masabihan ng nakabubuong kritisismo.

16. Pag gumagawa ng katapatan sa kapwa, mabubundat din siya sa matapat na sukli.

17. Kahit salat sa buhay, panatilihing tapat at bukal sa loob ang intensyon sa lipunan.

Sana ay marami kayong nakuhang gintong aral sa gawa naming mga Salawikain Tungkol Sa Katapatan. Pakay namin ang makatulong sa lahat ng Pilipino na nangangailangan ng gabay at gutom sa kaalaman. Maraming salamat po!