Sanaysay Tungkol Sa Droga

Isa sa mga karapatan ng tao ay ang magsaya at libangin ang sarili. Lahat tayo ay dapat ding humanap ng oras para naman mapawi ang mga panahong pagod tayo sa pagtatrabaho o eskwela.

Gayunman, may ilan na sa maling landas nahanap ang kasiyahan at paraan ng pagtakas sa mga suliranin ng buhay.

Ang iba ay nagkaroon ng masamang bisyo tulad ng ipingbabawal na gamot. Imbes na mapabuti, naging dahilan pa ito ng pagkalugmok ng marami.

Unti-unti ay naging suliranin na ng lipunan ang iligal na droga. Nagbunga na ito ng kaliwa’t kanang kriminalidad tulad ng pagnanakaw, panloloko ng kapuwa, at maging pagpaslang ng mga inosenteng buhay.

Dahil tila wala na sa katinuan ang mga nalulong sa bisyong ito, wala nang sinisino ang mga ito at maging mga mahal sa buhay ay ginagawan na ng kasamaan.

Maraming pamilya na ang nasira ng ipinagbabawal na gamot. Maraming mga magulang ang nakalimutan na ang responsibilidad sa kanilang mga anak. Mayroon namang mga anak na kahit nasa wastong gulang na ay pasanin pa rin ng mga magulang dahil sa bisyo.

Mainit din sa mata ng batas ang mga lulong sa droga. Mayroong ‘giyera’ ang pamahalaan sa mga ito at talamak ang pagkakapaslang ng mga gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga.

Lason ng lipunan ang ipinagbabawal na gamot. Maraming paraan upang libangin ang sarili. Iwasan ang mga bisyo at ituon ang oras sa mga mas makabuluhang bagay.


Maraming salamat sa pag-basa ng aming isinulat na Sanaysay Tungkol Sa Droga. Iparinig mo sa lahat ang iyong boses, ang iyong mga ideya – ipaalam mo sakanila na Pilipino ka! :)