Sanaysay Tungkol Sa Kaibigan

Kung ang pamilya ay pinagbuklod ng kanilang dugo, mayroong isang uri naman ng samahan na binuo ng isang magandang samahan—ang pagkakaibigan.

Dahil sa dami ng nilalang sa mundo, hindi naman lahat ay magiging kaanak natin, at hindi lamang sila ang makasasalamuha natin. Nariyan din ang ibang tao na matututuhan nating pahalagahan at magkakaroon nang maayos na samahan.

Nabubuo ang pagkakaibigan sa iba’t ibang panahon. Mayroong mga kababata na kasama mo sa iba’t ibang gawain noong ikaw ay musmos pa lamang, lalo na sa paglalaro.

Ang mga samahang nabuo noong pagkabata ay lalong tumitibay sa paglipas ng panahon, habang kayo ay nagkaka-edad.

Mayroon ding mga samahang nabubuo sa paaralan, mula elementarya hanggang kolehiyo. Dahil sa araw-araw na kayo ay magkasama, nahuhuli n’yo na rin ang kiliti ng bawat isa.

At sa bagong yugto ng buhay, kapag magtatrabaho na, ay isa ring oportunidad upang makabuo ng isang pagkakaibigan.

Ngunit katulad ng ibang samahan, dumaraan din sa panahon ng tampuhan at di pagkakaunawaan ang magkakaibigan. Sa anumang dahilan, maaaring magkaroon ng lamat ang samahan.

Gayunman, kung laging bukas ang puso at isip upang umunawa, siguradong maaayos din ito at maibabalik sa dati.

Masaya ang samahang kaibigan. Indikasyon ito ng mundo na kahit maraming pagkakaiba ang bawat isa, posible ang mga matitibay na ugnayan.


Maraming salamat sa pag-basa ng aming isinulat na Sanaysay Tungkol Sa Kaibigan. Iparinig mo sa lahat ang iyong boses, ang iyong mga ideya – ipaalam mo sakanila na Pilipino ka! :)