Sanaysay Tungkol Sa Kalamidad

Sa isang bansang tulad ng Pilipinas na taon-taon ay napipinsala ng mga kalamidad, tila normal na bahagi ito ng pamumuhay.

Nagdudulot man ng pagkawasak ng mga ari-arian at kumukuha pa ng buhay, tila natanggap na ng mga mamamayan na kada magpapalit ang taon ay dadalawin sila ng anumang kapahamakang dala ng kalikasan.

Ngunit kung ang agham ang tatanungin, ang dati’y normal na pinsalang dulot ng mga kalamidad ay dumudoble pa o mas lumalala dahil ganti na raw ito ng kalikasan sa ating pag-abuso.

Dahil hindi napapangalagaan ang kapaligiran, ipinadadama raw nito ang kaniyang pagkapoot sa mas malalakas at mas nakapipinsalang kalamidad.

Ayon sa mga eksperto, dahil sa polusyon at global warming, mas malalakas daw ang mga bagyo na dumarating sa mundo na nagdudulot naman ng matitinding pagbaha.

Maging ang labis na pag-init at paglamig ng panahon ay bunga raw ng nagbabagong mundo dahil sa kapabayaan ng tao.

Dahil dito, mas hinihikayat ng mga siyentipiko na mas maging mapagmahal at madisiplina sa kalikasan. Iwasan na ang mga gawain nakasisira dito kabilang ang di wastong pagtatapon ng basura, pagputol sa mga puno, at paggamit ng mga nakalalasong kemikal.

Kailangan na tayong kumilos dahil kung mapababayaan, ang mga kalamidad na mararanasan natin ay mas nakapipinsala pa at baka maging sanhi ng tuluyang pagkawasak ng daigdig.


Maraming salamat sa pag-basa ng aming isinulat na Sanaysay Tungkol Sa Kalamidad. Iparinig mo sa lahat ang iyong boses, ang iyong mga ideya – ipaalam mo sakanila na Pilipino ka! :)