Sanaysay Tungkol Sa Karapatang Pantao

Simula nang isilang tayo sa daigdig, bilang tao, kasama na ring isinilang ang ating mga karapatan. Sinisiguro nito na magiging produktibo tayong bahagi ng lipunan at magiging ligtas ang pananatili saanmang bahagi ng mundo.

Isa sa mga mahahalaga nating karapatan ay ang mabuhay ng tahimik at payapa. Sinisikap ng bawat pamahalaan sa mundo na mapanitili ang kaayusan at kapayapaan saanmang sulok ng daigdig. Dapat na mailayo sa kapahamakan ang bawat isa at maiiwas sa kriminalidad.

Karapatan din ng isang tao ang makapag-aral at makahanap ng magandang trabaho. Kailangan nating matuto sa loob ng silid-aralan upang maging handa sa pagtatrabaho sa hinaharap. Malaya din ang sinuman, basta pasok sa pinag-aralan, na humanap ng kaniyang magiging trabaho o hanapbuhay.

Bahagi rin ng karapatan ng isang tao ang pumili ng magiging lider ng bansa. Hindi dapat ipagkait sa sinuman, basta nasa wastong gulang, ang bumoto o tumakbo sa anumang posisyon sa pamahalaan.

At isa sa mga mahahalagang karapatan ng tao ay ang maipagtanggol ang kaniyang sarili sa anumang paratang at mabigyan ng patas na paglilitis.

Hindi dapat pinapatawan ng sinuman ng parusa kung walang wastong pagdinig sa kaso. Protektado ng batas ang karapatang ito ng sinuman kaya dapat lamang sundin.

Bawat tayo ay mahalaga, kaya naman bawat isa ay may karapatan. Kaya ikaw, bilang tao ay may karapatan ka!


Maraming salamat sa pag-basa ng aming isinulat na Sanaysay Tungkol Sa Karapatang Pantao. Iparinig mo sa lahat ang iyong boses, ang iyong mga ideya – ipaalam mo sakanila na Pilipino ka! :)