Sanaysay Tungkol Sa Wika

Sabi ng isang sikat na tula na Sa Aking mga Kabata, ang hindi raw magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa hayop at mabahong isda. Noon kasi, isang suliranin ng bayan ang pagyakap ng mga Pilipino sa wika ng ibang lahi.

Ilang taon ang lumipas mula nang maisulat ng linyang iyon ng tula, tila nananatili pa rin ang dagok na ito para sa mga tagapagsulong wika. Patuloy kasing niyayakap ng mga Pilipino ang ibang wika at tila mas pinaglalaan ng oras ang pag-aaral ng banyagang mga salita kaysa sa salitang kadikit na ng kanilang pagka-Pilipino.

Para naman sa ilan, ang pagdating ibang wika sa Pilipinas ay senyales ng nagbabagong mundo. Dahil sa teknolohiya, may mga salita at wika na kailangan nating yakapin upang makasabay sa pagbabagong nagaganap sa mundo.

Kabilang na rito ang mga salitang dala ng teknolohiya na unti-unting nababago ang kahulugan dahil sa iba pang mga tuklas. Halimbawa na rito ay ang salitang ‘tablet’ na ang kahulugan noon ay isang uri ng tableta o gamot.

Ngayon, kilala na ito bilang isang mobile device. Kasama rin dito ang salitang ‘friend,’ na may literal na kahulugang kaibigan. Pero sa panahon ng social media, ang ‘friend’ ay isang kasama sa paggamit ng social media at hindi literal na kaibigan o kakilala.

Nagbabago ang mundo, at gayundin ang wika. Kaya naman asahan pa ang pagdating ng mga ibang salita na senyales ng mas pinaunlad na daigdig.


Maraming salamat sa pag-basa ng aming isinulat na Sanaysay Tungkol Sa Wika. Iparinig mo sa lahat ang iyong boses, ang iyong mga ideya – ipaalam mo sakanila na Pilipino ka! :)