Umiikot ang kuwento sa isang babaeng lumaki sa kahirapan. Dahil salat sa maraming bagay, madalas siyang makaranas ng diskriminisayon sa kaniyang mga kalaro. May mga panahon na tinutukso siya ng kaniyang mga kaklase na mayayaman.
Isa sa nagiging kapansin-pansing kakulangan ng batang babae ay ang kaniyang mga damit. Kupas na ang kulay nito at napakarami nang tahi.
Dahil sa mga panunuksong nakuha, isang araw, ay umuwi siya na umiiyak. Sinabi niya sa ina ang naganap na panunukso. Wala namang magawa ang pobreng ina.
Dahil din sa diskriminasyong natatanggap, nakaisip ng paraan ang bata upang labanan ang kaniyang mga kaklase na panay ang panunukso sa kaniya.
Sinabi niya ang isang kasinungalingang mayroon daw siyang sandaang damit sa kanila at isinusuot depende sa okasyon katulad ng pang-eskwela, pang-piging, at may pang-simba.
Matapos sabihin ng bata na mayroon siyang isang daang damit na itinatago sa kanila, bigla na lamang hindi nagparamdam ang bata. Hindi na ito pumapasok sa paaralan.
Dahil sa labis na pagtataka, minarapat ng guro at mga kaklase na puntahan siya sa kanilang bahay.
Nalaman nilang mayroong malubhang karamdaman ang kaklase nila. At doon nila nakita ang sinasabing isang daang damit. Ngunit hindi mga totoong damit ito bagkus mga damit na iginuhit lamang sa papel.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Sandaang Damit. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!