Katanungan
sapilitang pagbili ng pamahalaang espanyol sa mga produkto ng mga magsasakang pilipino?
Sagot
Ito ay ang sistemang bandala. Ang sistemang bandala ay ang pagbabayad ng buwis taon taon para sa mga magsasaka habang ibinibili rin nila ang kanilang ani sa mababang halaga lamang.
Dito nababaon sa utang ang mga magsasaka noon dahil nangangamkam ng lupain ang mga mananakop at paparentahan lamang sa mga magsasaka.
Bukod pa rito, laganap ang pyudalismo at pananamantala sa mga buwis ng Pilipino para sa kanialng interes at maibulsa nila ito.
Ang sistemang bandala ay tila ninanakawan ang mga magsasakang Pilipino dahil binabarat na nga sila sa presyo ng ani, sila pa rin ay mayroong buwis taon taon sa mga Espanyol.