Sawa Na Talaga Akong Maging Mahirap

Simula pagkabata palang mahirap na ako. Lumaki ako ng nakatingin sa mga kaklase ko na tila bang nasakanila na ang lahat. Mga bagay na hinahangad ko ay hindi ko makamit dahil lamang na ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya. Minsan nga parang gusto ko nalang magpaampon. Buti pa yung kapitbahay namin, kung anong gusto niya ay binibila sakanya kagad ng magulang niya.

Mula pa sa magulang ko na laki sa hirap, pati ang kanilang mga sariling magulang ay mahihirap din. Bakit ganito?? Parang ang kasaysayan ng pamilya namin ay puno ng kahirapan. Bakit yung kaklase ko sa school ay hindi naman ganon? Lahat ng bagong labas na cellphone ay mayroon kagad siya. Nakita ko pa nga dati na sinadya niyang sirain ang kanyang cellphone para lamang bilihan siya ng bago. Halos bumaliktad ang sikmura ko sa galit. Nakakasuka sila. Mga taong kahit kailan ay hindi manlang nakaranas ng konting paghihirap sa kaninlang mahal na buhay. Mga ingrato! Pashneya!

Siguro nga ay kailangan ko nalang talaga mag-aral para maiahon ko ang aking sarili at pamilya sa karumaldumal na kahirapan na araw-araw ng buhay ko ay pinapaalala saken. Gusto ko din ng mamahalin na kotse. Gusto ko din libutin ang mundo. Gusto ko din ng magandang damit. Marami akong gusto. Pero ikaw ba gusto mo ako?

Minsan napapansin ko na parang invisible ako. Parang walang nakakakita saken. Walang nakakarinig. Bakit kayo ganyan? Tao din namana ko ah. Ang yabang ninyong lahat. Kala mo naman talaga pinahirapan niya yung narating niya. Excuse me! Alam naming lahat na nakahap ka lang ng uutuin mo. Kilala ko kayong lahat. Alam ko ang tunay na kulay ninyo. Mga mapagsamantalang tao kayong lahat. Mula sa bunso hanggang sa panganay. Parang mga ahas na gumagapang patago para lamang makamit ang kanilang gusto. Walang pakialam kahit kanino. Handang mang-gamit ng kapwa kapamilya para lang matupad ang mga pangarap. Wala kayong respetong makukuha saken.