Wala nang asawa at namumuhay kasama si Jun ang matandang si Manuel Bonifacio. May kaniya-kaniya nang buhay ang mga anak niyang sina Allan, Bryan, Cha, at Dex.
Nang minsang magpatingin sa doktor si Manuel, lumabas na mayroon siyang lung cancer. Ipinaalam niya ito sa mga anak.
Ayaw nang magpagamot ni Manuel at hiniling na lamang sa mga anak niya na magkasama-sama sila sa loob ng pitong linggo bago siya yumao. Hindi man magkakasundo at mga abala man, pumayag sila sa hiling ng amang may karamdaman.
Pinilit man ng magkakapatid ngunit talagang hindi na sila magkasundo. Umabot sa puntong nagkagulo na ang magkakapatid at nagkalabasan ng mga dinadala at sama ng loob sa isa’t isa.
Ang kanilang amang si Manuel na sobrang nabahala sa nangyari ay ibinulgar na wala naman talaga siyang sakit at nagkamali lamang ang unang resultang dumating sa kaniya.
Napagtanto ng magkakapatid ang kahalagahan ng isang pamilya. Kaya naman nagkapatawaran ang magkapatid na Allan at Bryan na may pinakamalaking hidwaan sa lahat. Unti-unting naayos ang gusot sa kanilang pamilya.
Ang nakaaangat sa buhay na si Bryan ay handa na ngayong magbigay ng tulong sa kaniyang mga kapatid. Bandang huli ay pinagtulungan nilang buksan muli ang kanilang negosyo na tindahan.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Seven Sundays. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!