Si Emilio Jacinto ay may pinangasiwaan pahayagan ng lihim na samahan

Katanungan Sagot

Katanungan

Si Emilio Jacinto ay may pinangasiwaan pahayagan ng lihim na samahan

Sagot verified answer sagot

Si Emilio Jacinto ay may pinangasiwaan pahayagan ng lihim na samahanSi Emilio Jacinto ay mayroong pahayagang pinangasiwaan. Ang pahayagang ito ay pahayagan ng isang lihim na samahang tinatawag na Katipunan.

Pinangunhan ni Jacinto ang pahayagan ng Katipunan na tinawag nilang “Kalayaan,” alinsunod sa kanilang misyon at kagustuhang makamit ang kalayaan ng bansa mula sa mga mananakop.

Ang kaniyang ginamit na pangalan sa nasabing pahayagan ng Katipunan ay “Dimasilaw.” Habang ang kaniyang naging pangalan naman niya sa lihim na samahan ng mga Katipunero ay tinawag na Pingkian.

Dahil sa kaniyang kontribusyon sa Katipunan, naging tanyag si Jacinto bilang ang Utak ng Katipunan at nautusan siya ng pinuno ng Katipunan na si Andres Bonifacio na mamuno sa pangkat nila sa Laguna.