Malungkot ang Diyos noon dahil mag-isa lamang siya. Dahil dito ay naisipan niyang buuin ang malawak na kalangitan at binuo rin makinang na araw kasama ng iba pang bituin na hindi mapigilan ang pagningning sa kalangitan.
Gayunman, hindi pa rin naging maligaya ang Diyos kaya naman ikinumpas nito ang kaniyang kamay at nabuo ang daigdig.
Sa loob ng pabilog na hugis nito ay nabuhay ang iba’t ibang nilalang tulad ng mga puno, halaman, isda, at ang mga ibong malayang nakalilipad sa kalangitan.
Mayroon ding mga anyong tubig tulad ng ilog at dagat ang walang patid sa pag-agos. Nalikha na nga ng Diyos ang sanlibutan.
Ang mga ibon ay walang ginawa kung hindi ang lumipad. Nang minsang mapadapo ang isang ibon sa kawayan, mayroon siyang kakaibang tinig na narinig sa loob nito. May tinig na nakikiusap na tuktukin ng ibon ang kawayan upang bumuka ito.
Ginawa nga ng ibon at lumabas ang isang lalaki. Siya raw si Malakas. Muli siyang nakiusap sa ibon na tuktukin pa ang isa pang kawayan upang makalabas ang kasama niya sa loob. Ginawang muli ng ibon at lumabas ang isang dilag na ang ngalan ay Maganda.
Isinikay ng ibon ang dalawa sa kaniyang likod at dinala sa isang pulo kung saan nila sisimulan ang kanilang lahing kayumanggi.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Si Malakas At Si Maganda. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!