Sila ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga tao sa lipunan?

Katanungan

sila ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga tao sa lipunan?

Sagot verified answer sagot

Prodyuser ang tawag sa mga taong gumagawa ng mga produkto na kailangan ng mga tao sa lipunan. Ang bawat gamit na makikita natin sa ating pang araw-araw na pamumuhay ay may prodyuser.

Maaaring magkaroon ng maraming prodyuser ang iisang produkto o serbisyo. Ang prodyuser ay nangangailangan ng mga hilaw na materyales, lakas ng paggawa, lupa, at iba pang mga salik bago siya tuluyang makagawa o makatapos ng isang produkto o serbisyo.

Pagkatapos ng buong proseso ng produskyon ay kailangan niya itong isailalim sa tinatawag na quality control upang masiguro na ang mga produkto ay papasa sa tinatawag na market standard.