Katanungan
sila ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan ayon sa magna carta for women?
Sagot
Ito ang mga marginalized women. Ang mga ikinakaharap ng marginalized women ay doble opresyon laban sa sistema at pagawaan.
Halimbawa na lamang sa pagawaan, maaaring mababa ang pasahod sa kanila o kaya hindi masyado binibigyan ng benepisyo bilang manggagawa.
Sa sistema naman ay mababa ang tingin sa kanilang bilang babae o kaya tingin sa kanila ay mahihina at nararapat lamang kumilos sa bahay.
Dahil sa macho-pyudal at patriyarkal na lipunan nila ito nararanasan. Ipinakikita rin minsan na ginagawang materyal na bagay lamang ang mga kababaihan kaya naikokompara ang kanilang kahalagahan sa mga bagay kahit hindi naman dapat, dahil ito sa pag “commodify” sa kanila.