Katanungan
sila ay naniniwala na ang pilipinas ay mula sa libag ng katawan ni melu na kanilang diyos?
Sagot
Ang mga Bagobo ay naniniwala na ang Pilipinas ay mula sa libag ng katawan ni Melu na kanilang diyos.
Ang mga Bagobo ay ang pinaniniwalaang may pinakamalaking pangkat ng mga katutubong makikita sa timog na bahagi ng Mindanao.
Sila ay binubuo ng mga Clata o Guiangan, Timawa, at Ubo. Ayon sa mga tala, pinaniniwalaan na ang paniniwalang hinduismo ay nagmula sa kanilang mga ninuno.
Samantala, sila ay namumuhay sa pamamagitan ng pagsasaka subalit sila rin naman ay popular sa paggawa ng mga metal na kagamitan gaya na lamang ng armas.
Sa usaping kasuotan, kinikilala ang mga bagobo na makikisig sapagkat ang kanilang mga damit ay makukulay.