Simbolo ng punong kahoy

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang simbolo ng punong kahoy?

Sagot verified answer sagot

Simbolo ng punong kahoyAng simbolo ng punong kahoy ay isang taong nanampalataya. Sa tulang Isang Punong Kahoy ni Jose Corazon de Jesus, inihalintulad niya ang isang taong nananalig nang maigi sa Diyos sa isang punong kahoy.

Bilang isang nananalig sa Diyos, hindi laging masaya at maganda ang nakukuha ng isang tao. Ganito rin daw ang mga punong kahoy.

Minsan, nakararanas din sila ng mga pagsubok sa buhay katulad ng malalakas na ulan at sobrang tag-init. Ang punong kahoy ay parang buhay din daw ng tao. Ang puno, sa paglipas ng panahon ay yayao rin. Ganito rin ang tao na minsan sa kaniyang buhay ay malago, ngunit dumarating din ang kahinaan.