Sino ang CEO ng Apple corporation?

Katanungan

sino ang CEO ng apple corporation?

Sagot verified answer sagot

Si Tim Cook ay ang CEO ng Apple Corporation. Timothy Donald Cook sa kanyang tunay na ngalan ay isinilang noong ika-1 ng Nobyembre taong 1960.

Siya ay nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Auburn University sa kursong Industrial Engineering at natamo ang kanyang Master’s Degree sa Duke University.

Noong 1998 partikular na sa buwan ng Marso ay pumasok siya sa Apple Inc. na nasa ilalim ng pangunguna ni Steve Jobs kung saan nanilbihan siya bilang Senior Vice President ng kumpanya sa buong mundo.

Nang ihayag ni Jobs ang kanyang pagbibitiw sa puwesto noong ika-24 ng Agosto taong 2011, humalili sa kanya si Cook o mas kilala bilang Tim Cook.