Sino ang compose ng Ano Kaya Ang Kapalaran?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

sino ang compose ng ano kaya ang kapalaran?

Sagot verified answer sagot

Ang composer ng Ano kaya ang Kapalaran ay si Francisco Santiago. Si Francisco Santiago ay isinilang noong ika-29 ng Enero taong 1889 sa Sta. Maria, Bulacan.

Tutol man ang kanyang mga magulang sa pagtahak niya sa landas ng pagiging isang musikero, ipinagpatuloy niya pa rin ito matapos lumisan ng kanyang ama.

Dahil sa hilig sa musika, naging bahagi siya ng mga batang magagaling na mang-aawit ng kanilang simbahan gayundin sa kanilang paaralan.

Dahil na rin dito, nakalikha siya ng iba’t ibang awitin kasama na ang kilalang awitin sa bansa na “Pilipinas kong Mahal” na pinaniniwalaang isinatitik ng batikang si Ildefonso Santos.