Sino ang dapat sumasailalim sa pre-emptive evacuation bakit?

Katanungan Sagot

Katanungan

sino ang dapat sumasailalim sa pre-emptive evacuation bakit?

Sagot verified answer sagot

Ang dapat sumailalim sa pre-emptive evacuation ay ang mga tao o lugar na lubhang mapipinsala ng paparating na kalamidad upang masagip o maligtas ang lahat ng buhay na maaaring mawala dulot ng sakuna.

Ang pre-emptive evacuation o sapilitang pagpapalikas ay isinasagawa ng ating pamahalaan upang masagip o maisalba ang nasasakupan nito.

Ito ay isinasagawa matapos pag-aralan ang mga maaaring maganap o mangyari sa isang lugar bago pa man tumama ang nasabing kalamidad.

Ito ay malimit ginagawa kung may malakas na bagyong paparating, malakas at nakapaminalang lindol na maaaring magkaron ng mga aftershocks, at banta ng landslide o pagguho ng lupa.