Sino ang ika-pitong presidente ng Pilipinas?

Katanungan

sino ang ika-pitong presidente ng pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Ang ika-pitong presidente ng Republika ng Pilipinas ay walang iba kung hindi si Ramon del Fierro Magsaysay.

Siya ay naihalal sa pwesto noong ika-30 ng buwan ng Disyembre taong 1953. Bago maluklok sa isang posisyon sa gobyerno si Magsaysay, siya ay nagsilbing bilang military governor sa probinsya ng Zambales.

Siya ay isang huwarang sundalo na lumaban noong Pacific War kaya naman ibinigay sa kanya ang nasabing posisyon.

Mula doon ay nakilala siya sa kanyang kagitingan hanggang siya ay mailuklok bilang presidente.

Kinikilala siya bilang “Tagapaglitas ng Demokrasya” dahil sa kanya sumuko ang komunistang lider na si Luis Taruc. Namatay si Magsaysay nang dahil sa isang aircraft disaster.