Sino ang ikalimang pangulo ng Pilipinas?

Katanungan

sino ang ikalimang pangulo ng pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Si Manuel Roxas ang ikalimang pangulo ng Pilipinas. Siya ay nailuklok sa posisyon noong Mayo 28, 1946. Sa kanyang termino nagsimula ang Ikatlong Republika ng Pilipinas.

Bago siya nagging pangulo, siya ay naging abogado at nagsilbi muna sa House of Representatives. Naging senador rin muna siya sa ilalim ng panunungkulan ng dating pangulo na si Manuel Quezon.

Tumagal lamang ng dalawang taon ang pagiging pangulo ni Manuel Roxas dahil siya ay inatake sa puso matapos manalumpati sa harap ng Sandatahang Panghimpapawid ng Estados Unidos.

Ang pumalit sa kanyang pwesto bilang presidente ay ang kanyang bise pangulo na si Elpidio Quirino.