Sino ang kinilala bilang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

Sino ang kinilala bilang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia?

Sagot verified answer sagot

Si King Abdulaziz ang kinilala bilang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia. Si haring Abdulaziz o sa tunay na ngalan ay Abdul Aziz BIN Abdur Rahman Al Saud ay ang kinilala bilang unang hari ng bansang Saudi Arabia.

Kilala rin siya sa karaniwang tawag na Ibn Saud. Ang pamilyang kinabibilangan niya ay ang pamilyang namumuno na sa Arabia noong taong 1800.

Subalit ng sila ay mapalitan, nanatili ang pamilya sa Kuwait subalit muling nagbalik at nahirang na pinuno ng Saudi Arabia mula ng sakupin ng kanyang angkan ang nabanggit na bansa.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, sinikap niyang mapag-isa ang pamumuno sa Nejd na siyang nagpalakas sa kanyang nasasakupan upang makapanakop pa ng ibang teritoryo.