Sino ang lider ng samahang gerilya sa Luzon?

Katanungan Sagot

4

Katanungan

sino ang lider ng samahang gerilya sa luzon?

Sagot verified answer sagot

Ang kilalang politiko na si Wenceslao Q. Vinzons ang itinuturing lider ng samahang gerilya sa Luzon noong sinakop ng mga Hapones ang ating bansang Pilipinas.

Maraming mga samahang gerilya ang nabuo sa buong bansa. Ito ay samahan ng mga rebeldeng Pilipino na nais paalisin at patalsikin ang mga Hapones sa bansa. Sila ang lumaban para sa kalayaan.

Noong pananakop pa lamang ng mga Amerikano sa Pilipinas ay aktibo nang nakikilahok si Wenceslao Q. Vinzons sa mga programa ng pamahalaang Pilipinas.

Isa siya sa mga nagsulong ng independensiya ng bansa laban sa pamamahala ng mga Amerikano. Siya rin ang pinakabatang pumirma sa 1935 Constitution.