Sino ang maituturing natin na Bourgeoisie sa kasalukuyan?

Katanungan

sino ang maituturing natin na bourgeoisie sa kasalukuyan?

Sagot verified answer sagot

Bourgeoisie ang tawag sa mga kapitalista ayon kay Marx. Ang mga ito ay sinasabing nagmamay-ari ng halos lahat ng kayamanan ng isang lipunan.

Sila rin ang may kontrol sa mga produksyon ng karamihan sa mga produkto at serbisyo sa merkado. Sa panahon ngayon, masasabing ang mga malalaking kompanya, lalo na ang mga may monopolyo, ang maituturing natin na mga bourgeoisie.

Sila ay nagmamay-ari ng mga negosyo kung saan sila ay may malaking impluwensiya sa merkadong ginagalawan ng kanilang mga produkto at serbisyo.

Kadalasan rin sa kanila ay may libo-libong mga empleyado na kontraktuwal o maliit lamang ang isinasahod kumpara sa minimum wage ng bansa.