Sino ang manunulat at abogado na kasama ni Rizal sa samahang La Liga Filipina?

Katanungan Sagot

Katanungan

sino ang manunulat at abogado na kasama ni rizal sa samahang la liga filipina?

Sagot verified answer sagot

Kasama ng bayaning si Dr. Jose Rizal ang abogado at manunulat na si Marcelo H. Del Pilar sa La Liga Filipina.

Ang La Liga Filipina ay isang samahang itinatag ni Rizal, kasama na rin ang iba pang kilalang personalidad sa kasaysayan liban kay Del Pilar, tulad nina Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, at Ambrosio Salvador.

Layunin ng samahan na mapag-isa ang buong kapuluan ng Pilipinas, protektahan ang bawat pangangailangan at kagustuhan ng mga mamamayan, labanan ang karahasan at kawalan ng katarungan, himukin at paunlarin ang sector ng agrikultura, edukasyon, at komersyo, at aralin ang mga repormang mas magpapabuti pa sa kalagayan ng bansa.