Katanungan
sino ang may akda ng liriko ng ating pambansang awit?
Sagot
Ang may akda ng liriko ng ating pambansang awit ay si Jose Palma. Ang pambansang awit ng Pilipinas ay orihinal na naisulat sa wikang kastila bilang Marcha Filipina Magdalo.
Subalit kalaunan ito ay napalitan ng Marcha Nacional Filipina na binigyang himig o musika ni Julian Felipe.
Ang awiting ito ay ang pagsasa-tagalog ng akdang tula ni Jose Palma na pinamagatang Filipinas na ang naging bungang tawag ay Patria Adorada o sa tagalog ay Sintang Bayan.
Noong ika-12 ng Hunyo 1898 unang pinatugtog ang awitin sa pangunguna ng bandang San Francisco de Malabon kasabay ng pagpapahayag ng kalayaan ng bansa sa kamay ng mga mananakop na kastila.
Nang sakupin ng mga Amerikano ang bansa, ang pambansang awit ay tinawag na Philippine Hymn na napalitan naman sa Lupang Hinirang sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ramon Magsaysay.