Sino ang nagtatag ng babaeng iskawt sa Pilipinas?

Katanungan

sino ang nagtatag ng babaeng iskawt sa pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Ang nagtatag ng babaeng iskawt sa Pilipinas ay si Josefa Llanes Escoda. Si Josefa Llanes Escoda ay ipinanganak noong ika 20 ng Setyembre taong 1898.

Siya ay tubong Ilocos Norte na nakilala sa kasaysayan bilang tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines o sa tagalog ay mga babaeng batang tagapagmanman ng Pilipinas.

Ang pagkakabuo ng iskawt na ito ay naganap ng siya ay makabalik sa Pilipinas mula sa pagsasanay sa Estados Unidos taong 1933.

Agad niyang sinanay ang mga kababaihan partikular na ang mga bata. At sa pagpasok ng taong 1940 partikular na sa buwan ng Mayo 26 pinirmahan ng pangulong Manuel L. Quezon ang tsarter o karta ng pagkakatatag ng iskawt na ito.