Katanungan
sino ang nagtatag ng diariong tagalog?
Sagot 
Itinatag ni Marcelo H. Del Pilar ang Diariong Tagalog.
Ang Diariong Tagalog ay isang pahayagan na umusbong noong pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Layunin nitong ipabatid sa mga mamamayang Pilipino na bumuo at magkaroon ng reporma at tuligsain ang pang-aabuso ng kolonyal na Espanya. Ang mga lathalain sa pahayagan na ito ay nakasalin sa parehong wikang Filipino at Espanyol.
Sa kasamaang palad, tatlong buwan lamang ang itinagal ng Diariong Tagalog dahil hindi ito nagustuhan ng mga Kastila. Ang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay isa sa mga nag-ambag ng lathalain sa diyaryo. Siya ay gumamit ng palayaw upang hindi mahuli.