Sino ang nagtatag ng republikang Tagalog?

Katanungan Sagot

Katanungan

sino ang nagtatag ng republikang tagalog?

Sagot verified answer sagot

Si Macario Sakay ang nagtatag ng Republikang Tagalog. Ang Repubilkang Tagalog ay kanyang pinasimulan sa upang labanan ang pananakop ng mga Amerikano. Ang pagpaplano at pag-usbong ng republika ay naganap sa bulubundukin ng Sierra Madre.

Nagtipon si macario Sakay ng kanyang mga miyembrong military upang planuhing pabagsakin ang mga Amerikano. Isa ring layunin ng Republikang Tagalog ay upang ipakilala at ipakita na karapat-dapat magkaroon ng kalayaan ang bansang Pilipinas.

Hindi nagtagal ay nahuli at pinatawan ng parusa si Macario Sakay at ang kanyang mga tauhan. Sila ay nagkasala sa ilalim ng batas na mahigpit na ipinagbabawal ang armadong paglaban sa gobyerno ng Amerika.