Katanungan
Sino ang nagtatag ng samahang ang LADLAD?
Sagot
Ang nagtatag ng samahang ang LADLAD ay si Danton Remoto. Siya ay isinilang noong ika 25 ng Marso taong 1963 sa Basa Air Base na matatagpuan sa lalawigan ng Pampanga.
Siya ay isang mamamahayag, manunulat, editor, tagapamahala, at isang propesor na Pilipino. Dahil Sa pagkakakamit niya ng unang gantimpala sa idinaos na Asean Letter-Writing Contest for Young People ay nakuha siya bilang isang iskolar sa Ateneo de Manila University.
Si Remoto ang kinikilala bilang tagapangulong emeritus ng isang pampulitikong partido na tinatawag na ang Ladlad kung saan ito ay kinabibilangan ng mga lesbian, gay, bisexual, at trasgender o LGBT sa lipunan.