Sino ang namuno sa pag-aalsa ng Bohol?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

sino ang namuno sa pag-aalsa ng bohol?

Sagot verified answer sagot

Noong sumiklad ang pag-aalsa sa iba’t-ibang lungsod o probinsiya sa buong Pilipinas matapos manakop ang mga Espanyol, pinamunuan ng magiting na si Francisco Dagohoy ang pag-aalsa sa Bohol.

Ang Bohol ay matatagpuan sa isla ng Visayas. Tinatayang ang pag-aalsang pinamunuan ni Dagohoy, o Francisco Sendrijias—ang tunay niyang pangalan–, ay ang pinakamatagal na rebolusyon sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sa katunayan, kinikilala ang kanyang pag-aalsa bilang “The Dagohoy Rebellion”. Umusbong ang pag-aalsa matapos tanggihan na bigyan ng Kristiyanong Libing ang kapatid ni Dagohoy. Ikinagalit niya ito at nagsimula na ang paglaban niya at ng iba pang mga mamayang Pilipino sa mapang-abusong kolonyalismo.