Katanungan
sino ang namuno sa pag aalsa sa cavite?
Sagot
Ang namuno sa pag aalsa sa Cavite ay si Fernando La Madrid. Si Fernando La Madrid ay nakilala bilang isang sarhentong mestizo na nagsilbing pinuno sap ag-aalsang isinagawa sa Cavite noong ika-20 ng Enero taong 1872.
Ang pag-aalsang ito ay naganap dahil sa hindi makatarungang pagpataw ng buwis sa mga manggagawa alinsunod s autos ni Gobernador-Heneral Rafael de Izquierdo.
Bagamat madaling natalo ang pangkat ng mga Pilipino, naging ugat ang labanang ito upang magsagawa ng isang kautusang supilin at hulihin ang mga Pilipinong naghahangad ng reporma sa pamamalakad ng pamahalaan.
Isa sa pinakatumatak na resulta nito ang pagkakabitay sa tatlong paring martir na nakilala bilang GOMBURZA.