Sino ang naniniwala sa liberal na paraan ng pamumuno?

Katanungan

sino ang naniniwala sa liberal na paraan ng pamumuno?

Sagot verified answer sagot

Ang naniniwala sa liberal na paraan ng pamumuno ay si Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre.

Ang liberal na pamamahala ay isinakatuparan ni Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre na naging dahilan upang siya ay mahalin ng maraming mamamayang Pilipino.

Dahil sa ilalim ng kanyang pamamalakad ay naging maayos ang pamumuhay ng mga Pilipino dahil sa makataong trato nito sa bawat isa.

Idagdag pa riyan na ang mga ibinaba niyang patakaran ay kapaki-pakinabang sap ag-angat ng buhay ng mga mamamayang Pilipino.

Ang Gobernador Heneral din na ito ang siyang nagpatigil sa pagpapataw ng mga kaparusahan gaya na lamang ng pamamalo sa mga Pilipinong umaalis sa kanilang trabaho dahil sa hindi patas na pagtingin.