Katanungan
sino ang pangulo ng pilipinas na nagpagawa ng bataan nuclear power plant?
Sagot
Si Ferdinand Emmanuel E. Marcos Sr. ang pangulo ng Pilipinas na nagpagawa ng Bataan Nuclear Power Plant. Si Pangulong Ferdinand E. Marcos ay naging pinuno ng bansang Pilipinas taong 1965.
Sumikat siya sa kanyang pang-unang termino bilang isang magaling na pinuno matapos bigyan ng pansin ang mga suliranin ng bansa partikular na sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga tulay, center, paaralan, at maging ang nuclear power plant.
Siya ay hinangaan ng iba’t ibang pinuno ng mga bansa sa mundo subalit nadungisan at napalitan ito sa kanyang ikalawang termino na kung saan naging talamak ang korupsyon at ang pagpapatupad niya ng pamahalaang diktatoryal.