Katanungan
sino ang pangulo ng pilipinas noong sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig?
Sagot
Noong sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong taong 1939, ang kasalukuyang namumuno sa ating bansang Pilipinas ay si Presidente Manuel L. Quezon.
Ang mga Hapones noon ay nagtatangkang agawin ang Pilipinas mula sa pananakop ng Estados Unidos. Kalaunan ay sumuko rin ang puwersang Pilipino-Amerikano at tuluyang nasakop ng mga Hapones ang bansa habang nagaganap ang ikalawang digmaang pandaigdig.
Ang pananakop ng bansang Hapon sa ating bansa ang sinasabing pinakamadugong digmaan na kinaharap ng mga Pilipino. Maraming mga mamamayang Pilipino at maging mga Amerikano ang naabuso at napatay.
Hindi pa man tapos ang ikalawang digmaang pandaigdig ay naupo na si Jose P. Laurel bilang presidente dahil si Quezon ay nagkasakit.