Sino ang pangulo ng sangay ng kababaihan ng Katipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

sino ang pangulo ng sangay ng kababaihan ng katipunan?

Sagot verified answer sagot

sino ang pangulo ng sangay ng kababaihan ng katipunanAng sinasabing pangulo ng sangay ng kababaihan ng katipunan ay si Gregoria de Jesus. Si de Jesus ay ang ikalawang asawa ni Andres Bonifacio.

Siya ay naging mahalagang bahagi ng Katipunan, hindi lamang bilang maybahay ng ama ng katipunan, kung hindi pati na rin sa pag-iingat ng mga lihim na papeles at dokumento ng Katipunan.

Mabilis niyang nalikom at naitakas nang minsang magkaroon ng pagsisiyasat ang mga pulis sa kanilang pook. Hindi lamang ito ang naging ambag niya.

Nag-aral din ang lakambini ng katipunan kung paano humawak ng baril at mangabayo upang maging isang mahusay na mandirigma. Sumama rin siya sa kaniyang asawa nang sumiklab na ang himagsikan sa kabundukan.