Katanungan
sino ang pinuno na nagtatag ng bagong imperyo ng babylonia matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa assyria?
Sagot
Pinangunahan ni Nabopolassar ang pag-aalsa laban sa paghahari ng mga Assyria mula sa Imperyong Assyria kaya naman naipalit at naitatag niya ang sariling imperyong kanyang itinawag bilang Babylonia.
Ang mga imperyong ito ay ang mga sibilisasyon na umusbong sa sinaunang Mesopotamia, na ngayon ay sakop na ng bansang Iraq.
Si Nabopolassar ay nagmula sa mga pangkat ng Chaldeans na sinakop ng mga Assyria. Sobra silang naging tutol sa pamamahala ng Assyria kaya naman nag-alsa sila laban rito, at gaya ng nabanggit na ay nagtagumpay.
Isa ang Babylonia sa mga tinitingalang sinaunang sibilisasyon. Marami silang naging ambag sa iba’t-ibang mga larangan.