Katanungan
sino ang pinuno ng lalawigan?
Sagot
Ang isang bansa, partikular na ang ating bansang Pilipinas, ay hindi lamang nahahati sa mga pulo. Bago pa man mahati sa mga lungsod o siyudad ang bawat pulo sa ating bansa ay nahahati na ang mga ito sa mas malalawak na lupain na tinatawag bilang mga lalawigan.
Bawat lalawigan sa bansa ay may lokal na pamahalaan kung saan ang pinaka namumuno ay tinatawag na gobernador.
Tinatayang may 81 na lalawigan sa ating bansang Pilipinas kaya naman mayroon ring 81 na gobernador ang naninilbihan.
Bagamat sila ay may kontrol sa lalawigan, kumukuha pa rin ng direktiba ang mga gobernador mula sa pamahalaang nasyonal.