Sino ang pinuno ng unang komisyon?

Katanungan

sino ang pinuno ng unang komisyon?

Sagot verified answer sagot

Si Jacob Gould Schurman ang pinuno ng unang komisyon sa Pilipinas. Ang unang komisyon na pinairal sa bansang Pilipinas ay tinawag na Komisyong Schurman na kung saan ito ay may limang kasaping Amerikano na ang pinuno ay si Jacob Schurman.

Ang layon ng komisyong ito ay upang siyasatin ang mga kalagayan ng mga katutubong Pilipino upang sa gayon ay maayos itong mapangasiwaan.

Ang komisyong ito ay itinatag ni William Mckinley na siyang pangulo ng Estados Unidos. Isa sa mga sistemang naitatag ng komisyong Schurman ang pagbibigay daan sa pagkakaroon ng edukasyong pampubliko. Isinulong din ng komisyong ito ang pagkakatatag ng isang sibil na pamahalaan.