Katanungan
sino ang pinuno ng usaffe o united states of armed forced in the far east?
Sagot
Ang pinuno ng USAFFE o United States of Armed Forced in the Far East ay si Heneral Douglas MacArthur.
Ang USAFFE o nakilala sa bansang Pilipinas bilang Hukbong Katihan ng Estados Unidos sa Malayong Silangan ay isang hukbong militar na binuo ng Estados Unidos noong taong 1941.
Pinaniniwalaang ito ay naging aktibo hanngang sa taong 1946. Naitatag ang kampo nito sa Pilipinas noong ika 26 ng Hulyo taong 1941 sa Calle Victoria na matatagpuan sa Manila.
Ang namuno sa hukbong ito ay si Heneral Douglas MacArthur. Ang pagkakabuo nito ay nasa ilalim ng panahon ng pamahalaang Commonwealth. Ang USAFFE ay nakatanggap ng apat na parangal mula ng ito ay maging aktibo.