Katanungan
sino ang pumalit kay gobernador heneral carlos maria de la torre?
Sagot
Noong bumaba sa posisyon si Gobernador Heneral Carlos Maria dela Torre, siya ay pinalitan sa pwesto ni Gobernador Heneral Rafael de Izquierdo y Gutierrez.
Ang panunungkulan ni Gobernador-Heneral Izquierdo ay nagtagal mula taong 1871-1873, na dadalawang tao lamang.
Salungat ng pamamalakad ni dating Gobernador-heneral dela Torrre, si Gobernador-heneral Rafael ay naniniwala sa “iron fist” o mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na may karampatang parusa para sa lahat ng lalabag.
Hindi siya naniniwala sa liberal na pamamalakad ng pamahalaan o ang pagkakaroon ng malayang kaisipan ng mga mamamayan. Maihahalintulad siya sa isang diktador. Lubos siyang kinatakutan ng maraming mamamayang Pilipino.