Sino ang sumulat ng mga alituntunin ng Katipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Sino ang sumulat ng mga alituntunin ng Katipunan?

Sagot verified answer sagot

Sino ang sumulat ng mga alituntunin ng KatipunanAng sumulat ng mga alituntunin ng Katipunan ay si Emilio Jacinto. Tinawag na Kartilya ang opisyal na nasusulat na alituntunin ng Katipunan.

Mula ito sa salitang Espanyol na “cartilla” na ang ibig sabihin ay paunang pangaral sa mga mag-aaral sa elementarya.

Ilan sa mga nilalaman na alituntunin na isinulat ni Jacinto ay lubhang malalim ang pagkakasulat. Hindi ito basta-basta mg autos at alituntunin na dapat sundin katulad ng mga batas at regulasyong mayroon tayo sa kasalukuyan.

Bagkus ay kailangan muna itong unawaing mabuti upang makuha ang mensaheng nais ipabatid ng sinasabing Kartilya o ang opisyal na alituntunin ng mga Katipunero.