Sino ang supremo ng Katipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Sino ang supremo ng Katipunan?

Sagot verified answer sagot

Sino ang supremo ng KatipunanAng supremo ng Katipunan o ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) ay si Andres Bonifacio.

Siya ay tinaguriang supremo ng Katipunan dahil siya ang isa sa mga nanguna sa pagtatatag nito at ang nagsilbi nilang pinuno sa mahabang panahon.

Dahil din sa kaniyang kontribusyon sa makasaysaysang pag-aaklas ng mga Pilipino laban sa mga mananakop na Kastila, si Bonifacio rin ang kinilalang Ama ng Rebolusyong Pilipino.

Naging masidhi ang damdamin ni Bonifacio na ipagtanggol ang kalayaan ng bansa dahil na rin sa mga nalalaman niya tungkol sa kalupitan ng mga Kastila.

Naging madugo ang pakikibaka ng mga Katipunero noon dahil ito ang paniniwala nilang pinakamabisang paraan upang mabawi ang Pilipinas.