Sino ang tagapagligtas ng demokrasya?

Katanungan

sino ang tagapagligtas ng demokrasya?

Sagot verified answer sagot

Ang tagapagligtas ng demokrasya ay si Ramon Magsaysay. Si Ramon del Fierro Magsaysay na kilala rin sa tawag na Monching ay isa sa mga naging pangulo ng bansang Pilipinas.

Ayon Sa kasaysayan, ang pinakaimportantng naiambag niya sa bansa ay ang pagkakaligtas sa demokrasya dahil sa kanyang nagawang pagpigil sa napipintong pag-aalsa ng mga komunista o Huk sa pangunguna ni Luis Taruc laban sa pamahalaan.

Si Taruc na pinaniniwalaang lider ng mga Huk ay sumuko sa ilalim ni Pangulong Magsaysay na siyang naging ugat upang kilalanin siya bilang tagapagtanggol ng demokrasya sa kasaysayan. Si Magsaysay ay binawian ng buhay dahil sa pagbagsak ng sinasakyan niyang eroplano.