Sino ang tinaguriang prinsipe ng mananalumpating Pilipino?

Katanungan Sagot

Katanungan

Sino ang tinaguriang prinsipe ng mananalumpating Pilipino?

Sagot verified answer sagot

Sino ang tinaguriang prinsipe ng mananalumpating PilipinoAng tinaguriang prinsipe ng mga mananalumpating Pilipino ay si Graciano Lopez Jaena. Tinatawag din si Jaena bilang prinsipe ng mga orador.

Nakuha niya ang titulong ito dahil ayon sa tala ng mga historyador, si Jaena ay nakapagbigkas ng humigit kumulang na isang libong talumpati sa Europe.

Maliban sa pagiging isang mahusay at sikat na orador o mananalumpati, si Jaena ay kilala rin bilang isang manunulat. Sa katunayan, si Jaena ang unang naging patnugot ng pahayagang La Solidaridad sa ilalim ng samahan ng mga ilustrado na Kilusang Propaganda.

Maliban sa kaniyang mga isinulat para sa pahayagan ng samahan, marami ding tula at sanaysaya si Jaena.