Sino ang unang tao na nakapunta sa buwan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

sino ang unang tao na nakapunta sa buwan?

Sagot verified answer sagot

Si Neil Armstrong ang unang tao na nakapunta sa buwan. Si Niel Armstrong ay isang astronaut na nakilala sa buong mundo bilang unang tao na nakapunta sa buwan.

Siya ay isinilang noong ika-5 ng Agosto 1930 sa Ohio partikular na sa Wapakoneta.. Nang makapagtapos siya sa kolehiyo ay sinikap niyang pumasok sa National Aeronautics and Space Administration o higit na kilala bilang NASA.

Siya ay napabilang sa misyong tinawag na Gemini VIII bilang isang command pilot. Ng maglaon, siya ang nangasiwa sa misyong Apolo 11 na naglalayong makapunta sa buwan na naging dahilan upang hirangin siya bilang unang taong nakapunta o nakaapak sa buwan.