Sino si Achilles ano ang malaking tungkulin niya sa digmaan ng Troy?

Katanungan Sagot

Katanungan

sino si achilles ano ang malaking tungkulin niya sa digmaan ng troy?

Sagot verified answer sagot

Si Achilles ay ang pinakatanyag na bayani noong pumutok ang Digmaang Troy o Trohano. Sa kanyang sakripisyo at katapangan ay isang tulang epiko ang binatay sa kanyang talambuhay hanggang sa panahon ng Digmaan, ito ang Iliad na nilathala ni Homer.

Ang Digmaang Troy ay isang labanan na naganap sa pagitan ng mga Trohano at Achaeano noong Sinaunang Gresya. Si Achilles ay isang magiting na Griyegong sumama rito.

Sanggol pa lamang si Achilles ay nagka-kutob na ng loob ang kanyang ina na ito ay makikipagdigmaan at doon babawian ng buhay. Natupad ang kutob na ito noon Digmaang Troy at namatay nga si Achilles sa pagtama ng isang pana sa kanyang sakong.