Katanungan
sino si francisco santiago?
Sagot
Si Francisco Santiago ay ang Ama ng Kundiman. Siya ay isang maestro na ipinanganak noong ika-29 ng Enero taong 1889.
Si Francisco Santiago ang kinikilalang sumulat ng awiting “Pilipinas kong Mahal.” Naging popular din ang kanyang komposisyong “Purita” kung saan ito ay ang nagsilbing awiting pagbibigay-pugay para kay Pura Villanueva na itinanghal bilang isang Carnival Queen.
Sa pagpasok ng taong 1911, siya ay tumugtog sa Cine Ideal at hindi nagtagal ay naging direktor ng orchestra ng pangkat na ito.
Bantog din sa kanyang mga likha ang “Anak dalita” na siyang naging tulay upang maabot niya ang rurok ng tagumpay at matanghal na “Ama ng Kundiman.”