Sino si Leonardo Da Vinci?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

sino si leonardo da vinci?

Sagot verified answer sagot

Si Leonardo da Vinci ay kilala bilang isang mahusay na pintor, pilosopo, manunulat, naturalista, at imbentor na nabuhay noong panahon ng Renaissance.

Siya ay isinilang noong ika 15 ng Abril taong 1452 sa Tuscany, Italya. Siya ang pinaniniwalaang indibidwal na naghatid sa Renaissance sa rurok ng pag-unlad.

Sa lahat ng kanyang mga likha, ang mga nakilala sa buong mundo ay ang mga sumusunod: ang The Vitruvian Man na nalikha taong 1490 hanggang 1492, Mona Liza na nabuo mula 1503 hangang 1507, at ang The Last Supper mula 1495 hanggang 1497.

Si Leonardo da Vinci ay hindi lamang kinakitaan ng galing sa pagpipinta ngunit gayundin ng husay at talino sa larangan ng pananaliksik.